LIPUNANG MAKATAO
Luha’y dumadaloy sa mugto mong mga mata
Larawan mo’y kalungkutan at kawalan ng pag-asa
Magagandang pangarap sa buhay mo’y di makita
Nabubuhay ka sa panahong mapagsamantala.
Gumising ka, kaibigan, ang isip mo’y buksan
Dapat mong tuklasin ang tunay na kadahilanan
Bakit may naghihirap na
At sa dako roo’y hanapin ang kasagutan
Tama ka, kaibigan, sila nga ang dahilan
Ang mapagsamantalang uri sa lipunan
Likhang yaman natin sila ang nangangamkam
Na dapat mapasaatin at sa buong sambayanan.
Koro:
Tumindig ka, kaibigan, tayo nang magpasiya
Panahon nang wakasan ang pagsasamantala
Sa diwa ng layunin tayo’y magkaisa
Lipunang makatao’y itindig ng buong sigla…
Buong sigla.
Tumindig ka, kaibigan, tayo nang magpasiya.
1 comment:
Snooker VR for iPhone and Android - CasinoFib 카지노 카지노 fun88 soikeotot fun88 soikeotot 221bet365 basketball US Sportsbook & Casino | Sportsbook | Bet365
Post a Comment