TATSULOK
Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan ka ng mga balang ligaw.
Totoy, makinig ka, huwag nang magpagabi
Baka mapagkamalan ka’t humandusay diyan sa tabi
Totoy, alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito.
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
(Instrumental)
Lumilipas ang hininga ng kayraming mga tao
At ang dating lunting bukid ngayo’y sementeryo
Totoy, kumilos ka, baligtarin ang tatsulok
Katulad mong dukha ang ilagay mo sa tuktok
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
No comments:
Post a Comment