PAPURI SA SOSYALISMO
Hindi tayo titigil hangga’t hindi nagwawagi
Ang ating mithiin magkapantay-pantay
Walang magsasamantala, walang mang-aapi
Iyan ang sandigan ng ating pamumuhay
Ihahakbang natin ang bagong kaisipan
Ng pinakasulong na uri sa lipunan
Mananaig ang diwa ng proletaryo
Bawat hakbang nati’y patungong sosyalismo.
Magbabago ang paggamit ng ating makina
Di na gagamitin sa pagsasamantala
Ating yayarii’y atin lamang gagamitin
Walang pagtutubuan sa ating lilikhain
Pasya ng karamihan ay ating lilikumin
Agad tutupdin ng walang alinlangan
Babaguhin ng proletaryo ang buong mundo
Bawat hakbang nati’y patungong sosyalismo.
1 comment:
Binago ng mga ND ang isang letra. Sa halip na sosyalismo, ginawa nilang "kalayaan."
Post a Comment